Alam nating lahat na sa bawat bansa sa mundo ay mayroong iba’t-ibang pambansang
wika na kanilang ipinagmamalaki at ginagamit. Ang wikang pambansa ay isa sa
nagpapakita kung saang bansa talaga tayo nanggaling. At ito ay napakamahalaga
dahil ito ay nakakatulong sa ating sarili, sa lipunan at sa pakikipagsalamuha
sa kapwa pabigkas man o pasulat.
Sa ating bansa, ang wikang
Filipino ay ang ating pambansang wika at opisiyal na wika ng bansang Pilipinas.
Ang wika na ito ay isa sa mga bagay na sumisimbolo sa ating pagiging Pilipino.
Ito ay ating ginagamit sa pakikipagkomunikasyon lalong-lalo na sa kapwa
Pilipino dahil ito ang wika na halos lahat tayong mga Pilipino ay alam gamitin
ang wikang ito. Kahit minsan, nahihirapan na tayong magsalita gamit ang wika na
ito, dapat hindi pa rin tayo mawalan ng pag-asa at hindi tayo hihinto sa
paggamit nito. Dapat ipagmalaki natin ito kahit saan man tayo magpunta. Dapat
hindi nating makakalimutan ang paggamit nito kahit na mas maraming beses na
tayong gumagamit ng wikang ingles kaysa sa ating wikang pambansa. At kahit sino
man ay pwedeng makatulong sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng ating wikang
Pilipino sa pamamagitan ng paggamit nito sa pakikipag-usap sa ibang tao, at sa
pagbabasa ng mga kwento o kahit ano na gumagamit ng wikang Filipino. Dahil sa
pamamagitan nito, mas magkakaroon tayo ng mas malawak na kaalaman sa paggamit
ng wikang Filipino upang pwede natin itong maituro sa iba at para mas marami na
ang gagamit nito lalong-lalo na ang mga Pilipino na hindi na gumagamit nito.
Kahit saan man tayo
magpunta, dapat hindi natin makalimutan ang ating wikang pambansa lalong-lalo
na ang wikang Filipino. Dapat natin itong alagaan, pahahalagahan at ituring na
kayaman upang mas magiging maunlad pa ang paggamit nito lalong-lalo na sa mga susunod
na kabataan.